NAGA CITY- Dead-on-arrival ang isang babae pagkatapos na barilin ito ng isang hindi pa nakikilalang suspek sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Elizabeth Elona Sabalboro, 47-anyos, residente ng Brgy. Sta Malabanban Norte, ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa loob ang biktima ng kanyang bahay, nang bigla na lang dumating ang suspek at binaril ito sa ulo.

Si inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, kaagad naman sana na dinala sa ospital si Sabalboro para sa agarang lunas ngunit dineklara lang itong dead-on-arrival ng doktor.

Samantala, kaagad naman na tumakas ang suspek papuntang Sitio Pabongbong, Brgy. Malabanban Norte pagkatapos isagawa ang krimen.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang cartridge case ng isang kalibre 45 baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nabanggit na insidente.