NAGA CITY- Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa natagpuan na babaeng wala nang buhay sa ilalim ng tulay sa Carigsa, Magarao, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCPT. Monica San Juan ang Officer in Charge ng Magarao Municipal Police Station, sinabi nito na nagppatuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon upang malaman kung mayroon bang foul play o wala sa nasabing insidente kung saan natagpuan ang katawan ng isang babae na wala nang buhay habang nakabigti.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, kinilala ang biktima na si Chrsitine Joy at nakatira umano sa Santa Cruz, Naga City batay sa mga nakalap na datos.
Samantala, ayon pa kay San Juan sa ngayon umano hindi pa ma-contact ang mga kamag-anak ng biktima kung kaya hindi pa makapagsagawa ng autopsy na siyang kailangan upang malaman kung mayroon pa itong mga sugat sa katawan.
Dagdag pa ni San Juan, patuloy ang kanilang pagkalap ng mga datos gaya ng mga CCTV footages na pinaghihinalaang mayroong na capture bago ang insidente.
Sa ngayon, muling nagpaalala ang opisyal sa lahat na laging bantayan ang kanilang mga kamag-anak o alamin ang kanilang mga sitwasyon upang maiwasan ang kaparehong pangyayari.