NAGA CITY- Patay ang isang babae matapos malunod sa balon sa Barangay Mateuna, Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Alvina Amado, 57-anyos, residente nang nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naghuhugas ng mga pinagkainang plato ang biktima ng bigla na lang itong atakihin ng epilepsy at nahulog sa balon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid na agad dinala ang biktima ng kaniyang asawa sa kanilang bahay ngunit dito na ito binawian ng buhay.

Samantala, wala naman aniyang indikasyon ng foul play sa insidente.

Sa ngunyan ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.