NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang bangkay ng isang babae sa Catanauan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Melba Ramento Arrellano, 53-anyos, residente ng Barangay Tagabas Ibaba, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na ayon sa anak ng biktima na si Emely Ramento Arrellano, umalis sa kanilang bahay dakong alas-9 nin umaga itong Agosto 2, 2024 ang kanilang ina upang maglaba. Ngunit hindi na ito nakabalik pa.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman pa na posibleng naglaba ang biktima sa isang ilog ng atakihin ito ng epileptic seizure, dahilang upang mahulog ito sa tubig hanggang sa malunod.

Samantala, nabatid rin sa mga residentes at Barangay officials na wala naman kaaway ang biktima sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay nagpaalala na lamang ang mga opisyal na kapag mayroong kapamilya na nagtatamo ng ganitong sakit ay huwag silang hayaan na umalis ng mag-isa.