NAGA CITY- Sugatan ang isang babae matapos pagsasaksakin sa Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Jelly Mae Bulanon, 27-anyos, residente ng Barangay Ilayang Nangka sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na pauwi na sana ang biktima nang bigla na lamang dumating ang suspek na si Mico Briones at pinagsasaksak ang biktima.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa kaniyang katawan ang biktima na kaagad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente gayundin ang patuntn sa nakatakas na suspek.