NAGA CITY- Dead on Arrival ang backrider ng isang motorsiklo sa Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Christian Dale Ramirez, nasa legal na edad at residente ng Brgy. Caridad Ilaya, Atimonan, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang binabaybay ng driver ng motorsiklo na kinilalang si Elvin Mendoza Espayos, nasa legal rin na edad at residente naman ng Sitio Daugan Pari, Brgy. Binahaan, Pagbilao, Quezon, at ang angkas nito na si Ramirez, ang Lucena Diversion Road, sa Brgy.Mayuwi, sa nasabing bayan, ng mawalan ito nang kontrol pagdating sa pakurbadang parte ng kalsada.

Ito rin ang naging dahilan upang mabangga nito ang concrete barrier sa kanang parte ng nasabing kalsada.

Samantala, dahil naman sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan sila Espayo at Ramirez, ngunit sa kasamaang palad, idineklara na dead on arrival si Ramirez ng mga doktor.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.