Alam ba ninyo mga ka-bombo, ang bagong bukas na Surat Diamond Bourse sa Gujarat, India, ang malaki at malawak na office complex na kinabibilingan ng siyam na rectangular buildings na interconnected sa pamamagitan ng isang central spine.
Sa halos 80 taon, ang Pentagon ang may hawak sa titulo na world’s largest building, ngunit kamakailan lang naagaw ang korona ng Surat Diamond Bourse, isang diamond-cutting at trading hub, na kung saan nalampasan ang Pentagon sa sukat na 66,73,624 sqft by almost 55,000 sqft.
An nasabing 15-story complex ang nag-ookupa ng 35 ektarya ng lupa sa outskirts ng Surat, sa India’s Gujarat state na nagfe-feature nang 4,700 office spaces at workshops, maging ang 131 large elevators.
Ayon sa Indian architecture firm Morphogenesis wala umano sa kanilang plano na lampasan ang Pentagon bagkus nahihirapan lamang umano sila na mapunan ang malaking pangangailangan para sa espasyo.