Lumakas pa ang bagyong may international name na Typhoon Sinlaku at umabot na sa typhoon category habang nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa mga international weather trackers, taglay ng bagyong Sinlaku ang lakas ng hanging umaabot sa 140 km/h malapit sa gitna at bugso na hanggang 220 km/h, habang kumikilos nang mabagal pahilagang-hilagang-silangan.
Sa kabila ng paglakas nito, wala pa itong direktang epekto sa Pilipinas dahil nananatili ito sa labas ng PAR. Gayunpaman, patuloy itong binabantayan ng mga eksperto dahil nasa loob ito ng Tropical Cyclone Monitoring Domain (TCID).
Tinatayang nasa 930 kilometro timog-silangan ng Guam ang sentro ng bagyo sa kasalukuyan.
Nabuo ang Sinlaku bilang low pressure area noong Abril 9 bago ito naging tropical depression, tropical storm, at kalaunan ay ganap na typhoon nitong Abril 11.
Bahagi ang bagyong ito ng 2026 Western Pacific typhoon season, na inaasahang magiging mas aktibo dahil sa umiiral na kondisyon ng karagatan at atmospera.














