NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang isang babae sa Antipolo 1, Nabua,Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Gloria Fancia, 50-anyos.

Sa panyam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl. Ronald Peregrino, tagapagsalita ng Nabua-PNP, sinabi nitong pinaniniwalaang nalunod ang biktima sa ilog na halos kalapit lamang ng bahay nito.

Ayon pa kay Peregrino, nakita umano ito ng kanyang pamangkin na wala nang buhay.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasambing pangyayari.