NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lolo sa Atimonan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Alvarez, 71, residente ng Purok Bagong Silang, Brgy Tagbakin sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na natagpuan ang wala nang buhay na bangkay ng biktima ni Robert Salvosa sa bahay na pag-aari ni Albert Lim sa Brgy. Ipaliwanag.

Napag-alamang nag-iisang nakatira ang biktima sa nasabing bahay at may mga sakit sa balat na psoriasis.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pinaniniwalaang nahulog si Alvarez mula sa kanyang kama at tumama ang ulo sa sahig.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.