NAGA CITY- Kinilala bilang Top Performing Barangay sa buong lalawigan ng Camarines Sur ang Barangay Caranan sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Randy Latosa, Barangay Kapitan ng nasabing barangay, sinabi nito na katuwang ang lahat nang nasa konseho, organisasyon gayundin ang pakikipagtulungan ng kanilang mga residente naging posible ang naturang parangal.

Aniya, very vocal ang kanilang mga residente sa pagtulong sa komunidad lalo na pagdating sa pagkain, kalusugan at iba pang pagtugot sa iba’t ibang problema ng kanilang barangay.

Maaalala, ang parangal na ito ay mula sa ahensiya ng DILG na nagbibigay pagkilala sa mga barangay na gumagawa ng pamamahala at magandang performance.

Ito ay repleksyon ng magandang kalagayan ng mga residente gayundin ang maayos na pamamahala ng mga awtoridad.

Sa ngayon, pinasalamatan ng opisyal ang lahat ng tumulong para maging posible ang pagkilalang ito.