NAGA CITY – Patay ang isang barangay official matapos magpatiwakal sa Pagbilao Quezon.

Kinilala ang biktima na si Rechele Lustado, 33-anyos, residente ng Brgy. Mapagong, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang wala nang buhay na katawan ng biktima habang nakabigti sa loob ng kaniyang sariling bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na sa mga nagdaang araw, hindi umano kumikibo si Lustado dahil sa pagkakahiwalay sa kaniyang anak sa mahabang panahon.

Samantala, wala namang nakitang foul play sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.