NAGA CITY- Bagsak na grado ang ibinigay ng Bayan Bicol sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Vince Casilihan ng Bayan Bicol, sinabi nito na tila walang pagbabago at halaga ang mga naging kapahayagan ng pangulo.

Ayon pa dito, sa halip na ulat sa bayan at mga plano sa pagsugpo sa pandemyang COVID-19 na kinakaharap ng bansa ang laman ng SONA, tila naging ‘rant address’ lamang ito ng pangulo.

Aniya, kung titingnan ang natitira pang dalawang taong panunungkulan ni Pangulong Duterte, tila mas mapapaigting pa ang posisyon at pagsugpo nito lalo na ng agad na maipasa ang Anti-terror Law gayundin ng maipasara ang giant network na ABS-CBN.

Advertisement

Dahil aniya sa ganitong mga pangyayari, maaari itong magdulot ng chilling effect sa mga media outlet na kapag hindi sinunod ang gusto ay paniguradong may mapaglalagyan.

Sa ngayon, hindi aniya makita sa pangulong Duterte ang solusyon o plano sa pagsugpo ng naturang krisis.

Advertisement