NAGA CITY- Patuloy pa rin ang pagbibigay ng supporta ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Bicol sa kanilang mga scholar sa kabila ng pagpapaliban ng pagbubukas ng pasukan ngayong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR-Bicol sinabi nito na mayroon ng kasalukuyang 46 na mga estudyante ang nakikinabang ng naturang scholarship.
Ayon kay Enolva, mayroon nang 19 na slots ang inilaan ng ahensya sa mga indigenous people.
Habang sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang ahensya sa pagtanggap sa mga gusto pang mag apply sa ibinibigay na scholarship ng naturang ahensya.
Ngunit ayon dito, ang unang na makaka-avail ng naturang scholarship ang mismong mga anak ng mga mangingisda at sasailalim sa mga eksaminasyon.