NAGA CITY- Dumagsa ang mga pasahero na mula sa National Capital Region sa Bicol Central Station kaugnay sa eleksyon ngayong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rhoderick Reforsado, Terminal Manager ng Bicol Central Station, sinabi nito na nasa peak operation ang terminal hanggang sa mga susunod na araw kahit lalo’t marami ang nairehistrong umuwi galing sa Metro Manila upang bomoto at samantalahin na rin ng iba ang bakasyon.
Ibinahagi naman ni Reforsado na naabot nang kanilang opisina ang target na biyahero dahil talagang dumagsa ang mga pasahero na mula sa National Capital Region.
Ayon pa sa opisyal, pumapalo sa higit isaaandaan (100) na buses ang kanilang dinispatch upang ma-aacomodate ang mga pasahero.
Dagdag pa ni Reforsado, sa mga normal na araw pumapalo lamang ang kanilang average na dispatch buses sa 80-90 ngunit tumaas noong mga nakaraang araw kasabay sa eleksyon.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng pamunuan nang Bicol Central Station na handa ang kanilang opisina upang i-accomodate ang mga pasahero na uuwi sa Metro Manila matapos ang eleksyon.
Samantala, wala namang naitalang untowards incident sa terminal sa lalo pa’t mahigpit ang ginawang pagbabantay ng mga otoridad sa pinakamalaking terminal sa lungsod ng Naga katuwang ang Philippine National Police, Land Tranportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Inaasahan pa rin tuloy-tuloy parin ang pagdagsa ng mga biyahero na babalik sa National Capital Region sa mga susunod na araw.
Sa ngayon, muli namang pinaalalahanan ni Reforsado ang mga biyahero na mag-ingat pa rin at maging alerto sa mga bitbit na gamit at mga kasamahan upang maiwasan ang anuman na insidente.