NAGA CITY- Tinatayang mahigit sa isang daan na umano ang bilang ng mga guro na nahawaan ng COVID-19 sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Benjamin Valbuena, Secretary General kan Alliance of Concerned Teachers (ACT)-National, sinabi nitong dahil sa tila hindi naging bukas ang Department of Education (DepEd) sa pagsasapubliko ng kalagayan ng mga guro kung kaya sila na aniya ang nangalap ng impormasyon mula sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.
Ayon kay Valbuena, lingid sa kaalaman ng lahat, halos mahigit 100 na mga guro na rin ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Sa kabila nito, wala naman aniyang aasahang hazard pay ang mga ito lalo na sa pagbabalik-eskwela sa darating na Oktubre.
Aniya, walang nakalaan na pondo para sa mga Personal Protective Equipment o kahit sa incentives man lamang ng mga gruo.
Kaugnay nito, tila ang mangyayari, “matira, matibay” aniya ang magiging sistema kung kaya hiling aniya nila sa DepEd na tiyakin na nasa mabuting kalagayan hindi lamang ang mga mag-aaral ngunit maging ang mga guro sa bansa.