NAGA CITY- Tinatayang umabot na sa 57,793 na indibidwal ang kabuuang bilang ng mga inilikas ngayon sa Bicol Region dahil kay bagyong Bising.
Sa datos ng Office of the Civil Difense (OCD-Bicol) napag-alaman na sa nasabing bilang pinakamarami rito ang mula sa probinsya ng Catanduanes kung saan umabot na ito sa 5,109 na pamilya o 19,119 katao, sumonod rito ang probinsya ng Albay na mayroong 9,833 pamilya o 35,054 katao, ang Camarines Sur na mayroong 835 pamilya o 3,251 na indibidwal at ang probinsya ng Sorsogon na mayroong 369 katao o 75 na pamilya.
Maliban dito nakapagtala naman ng mga stranded na pasahero ang ilang mga pantalan sa rehiyon.
Nabatid na aabot sa sa 851 katao ang naiulat na nananatili ngayon sa mga sea ports kung saan 11 ay mga buses, 176 trucks, 103 light vehicles at 7 sea vessels.
Kaugnay nito nakapagtala ang Matnog port ng aabot sa 791 katao kung saan 11 rito ay buses, 156 trucks, 102 light vehicles at 4 sea vessels.
Samantala ang Pilar port naman ay nakapagtala ng 18 katao at 3 trucks, San Pascual , 10 katao, 2 trucks, at isang light vehicle at sea vessel, ang Cawayan na mayroong 32 katao, 15 trucks, habang ang Pasacao naman ay nakapagtala ng 2 sea vessels.
Habang, nakapag tala rin ng aabot sa 112 na mga cargo trucks ang na-stranded sa boarders control ng Bato, Camarines Sur kung saan apat mula sa 280 truck drivers at cargo helper na isinailalim sa antigen test ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa ngayon patuloy namang minomonitor ng mga lokal na gobyerno ang mga lugar na kinukunsidera nasa high risk areas dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan sa nasabing rehiyon.