NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki matapos na magbigti sa Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Christian Abarca, 24-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na petsa 11 dakong alas -11:00 ng umaga ng mapansin ng katrabaho ng biktima na kinilalang si Jason Montañes, 19-anyos na sarado ang kwarto nito at hindi sumasagot sa kanilang tawag kung kaya pwersahan nilang binuksan ang kwarto nito at dito na tumambad ang nakabigti na katawan ng biktima at wala nang buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na huling nakita na buhay ang biktima petsa 10 dakong alas-9:00 ng gabi.

Ayon pa sa imbestigasyon, ng tingnan umano ang cellphone ng biktima, napag-alaman na nagpadala pala ito ng mensahe sa limang contact nito sa facebook messenger ng farewell messages.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.