NAGA CITY – Patay ang isang binata matapos na magpatiwakal sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Bernie Candelaria Fernandez, 18-anyos, residente ng Lucban St. Purok Atin-atin 1, Brgy. Marketview sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Police Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang ng kapatid nitong babae na nabitay sa loob ng kaniyang kwarto.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na posibleng dahil sa love problem o depresyon ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima, ayon na rin mismo sa mga kapamilya nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.