NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang binata sa Tagkawayan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Joshua Azores, 19-anyos, residente ng Brgy. Manato Station sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ng isang Maria Elena Dinglasan ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa kanilang bakuran.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman pa na bago ang insidente nakita pa umano na umiinom ang biktima kasama ang kaniyang mga kaibigan na kinilalang sina Ceslavae Esplana at Cherrylou Bermas na nauna na ring umuwi nagpuli sa kani-kanilang mga bahay.

Samantala, wala namang nakitang ano man na senyales ng foul play sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.