NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na barilin sa tapat na isang fast food restaurant sa Lucena City, Quezon. 

Kinilala ang biktima na si alyas Reymark, 18-anyos, residente ng Brgy. Lekap Butao, San Fabian, Pangasinan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakatayo umano sa tapat ng nirerenovate na restaurant ang biktima ng bigla na lamang dumating ang suspek na kinilala naman si  alyas Jabber, nasa legal na edad, at residente ng Brgy. Marketview kan nasabing siyudad.

Dito rin, bigla na lamang binaril ng suspek si Alyas Reymark sa likod ng kanyang ulo gamit ang isang kalibre 45 na baril. Ito naman ang naging dahilan ng agarang pagkamatay ni Reymark.
Samantala, agad naman tumakas ang suspek matapos isagawa ang krimen patungo sa hindi pa malaman na direksyon.

Ayon naman sa kapulisan, posibleng dating galit ang dahilan ng pagpatay kay Reymark.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.