NAGA CITY- Kinumpirma ngayon ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang panibagong nairehistrong namatay sa lungsod dahil sa Coronavirus Disease.

Sa naging opisyal na pahayag ni Legacion, sinabi nito na kinilala ang pasyente na si Bicol#351, isang babae, 40-anyos, residente ng Barangay Tabuco Naga City.

Ayon kay Legacion, binawian ito ng buhay sa Bicol Medical Center kung saan maliban sa Covid-19 ay kasalukuyang nakakaranas rin ito ng sakit na diabetes at peripheral arterial occlusive disease.

Si Bicol#351 ang ikalawang pasyente na binawian ng buhay dahil sa covid-19 sa nasabing lungsod.

Sa ngayon mayroon ng kabuang bilang na 69 confirmed cases sa lungsod ng Naga, habang mayroon naman 18 active cases at 49 recovered.