Ibinahagi ng Naga City District Jail – Male Dormitory ang kanilang mga naging tagumpay sa unang quarter ng 2026.

Sa naging pahayag ni Jail Chief Inspector Ralph Vincent Bobis, Acting Jail Warden of Naga City Jail Male Dormitory, sinabi nito na ang kanilang mga pangunahing nagawa para sa unang tatlong buwan ng taong 2026,na nakatuon sa seguridad, rehabilitasyon, at kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty o PDL angkanilang .

Kabilang sa mga pangunahing hakbang ang pagsasagawa ng greyhound operations, paglalagay ng karagdagang CCTV cameras, at pagpapatupad ng mga livelihood programs tulad ng paggawa ng siomai, peanut butter, at mga handicraft.

Dagdag pa ni Bobis na patuloy rin ang education at paralegal services, kung saan may mga PDL na napalaya sa pamamagitan ng GCTA, probation, at recognizance.

Advertisement

Naging tampok din ang “Kasalan sa Piitan” noong Pebrero, gayundin ang pakikilahok ng mga PDL sa art exhibits at outreach programs.

Para sa susunod na quarter, nakatakda ang karagdagang pagpapahusay ng pasilidad, pagsasanay ng mga tauhan, at mga programang pangkabuhayan, kabilang ang planong “Cafe Selda.”

Advertisement