NAGA CITY- Mas pinahigpit na ipinapatupad ng Quezon Police Provincial Office ang total lockdown sa nasabing probinsya kaugnay sa Enchance Communitty Quarantine sa boong Luzon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj Lalaine Malapascua , spokesperson ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) sinabi nito na ipinag babawal na ang pagpasok ng mga mula sa MIMAROPA area, NCR at Bicol region sa nasabing lugar lalo na’t kung wala naman umanong importanteng pakay.
Ayon kay Malapascua, may mga oras na lamang na ibinibigay ang mga otoridad kung kailan lamang maaring makaalis ng bahay ang isang miembro ng pamilya upang mamili ng mga pangangailangan sa loob ng bahay. May oras nalang rin umano ang pag labas at pag byahe ng mga pribadong sasakyan sa mga kalsada sa lugar.
Nabawasan narin pati ang mga krimen sa probinsya simula ng ipinatupad ang Enchance Communitty Quarantine sa nasabing lugar.
Dagdag pa nito, mas pinahigpit narin pati ang pag babantay sa mga borders at entrance and exit point ng lugar dahil sa pagpapatupad ng lockdown.
Sa ngayon, wala naman umanong napabalitang stranded passenger sa lugar matapos ang mahigpit na pagpapatupad ng nasabing lockdown.