U.S. President Donald Trump and Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva talk as they meet on the sidelines of the 47th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit in Kuala Lumpur, Malaysia, October 26, 2025. REUTERS/Evelyn Hockstein

Bumisita sa White House si Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva upang magsagawa ng pagpupulong kay US President Donald Trump, kung saan inaasahang tatalakayin ang taripa sa mga produktong Brazil at iba pang usaping pang-ekonomiya.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga pangunahing isyung nakatakdang pag-usapan ng dalawang lider ang umiiral na taripa na ipinataw ng Estados Unidos sa ilang produktong mula sa Brazil, pati na rin ang mas malawak na relasyon sa kalakalan at ekonomiya ng dalawang bansa.

Matatandaang nagkaroon ng tensyon sa ugnayan ng Brazil at Estados Unidos matapos ipatupad ni Trump ang 50 porsyentong taripa sa ilang Brazilian goods, na nagdulot ng lamat sa relasyon ng dalawang lider.

Huling nagkita sina Lula at Trump noong nakaraang Oktubre sa isang ASEAN Summit, at ang kasalukuyang pagpupulong sa White House ay itinuturing na mahalagang hakbang upang muling ayusin ang ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang bansa.

Advertisement
Advertisement