NAGA CITY – Isinailalim na sa Extreme Community Quarantine o Lockdown ang Barangay Calauag kung saan nakatira ang ikalawang nagpositibo sa Coronavirus disease (COVID-19) sa Naga City.

Sa naging pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nitong una na silang nagsagawa ng precautionary measures at re-disinfection sa lahat na bahagi ng nasabing lugar.

Ayon kay Legacion, isinailalim narin sa quarantine ang lahat ng nakasalamuha ng nasabing pasyente habang patuloy naman na minomonitor ang kalagayan ng lahat na mga residente sa lugar.

Samantala, kinumpirma naman ni Legacion na ang nasabing pasyente ay walang ano mang travel history mula sa Metro Manila o maging sa labas ng bansa.

Advertisement

Una ng napabalita na araw ng Huwebes ng makaramdam ito ng lagnat at hirap sa paghinga kung saan agad itong dinala sa NICC Doctors Hospital ngunit hating gabi na ng araw ng Huwebes nang napagdesisyonan na ilipat ito sa Bicol Medical Center at agad na isinailalim sa swab testing.

Habang araw ng Byernes pasado 1:00 ng umaga ng binawian ito ng buhay. Kung saan agad namang isinailalim sa cremation ang nasabing pasyente.

Advertisement