NAGA CITY- Niyanig ng magnitude 3.2 na limdol ang lalawigan ng Camarines Sur dakong alas 12:31 ng tanghali kanina.

Batay sa data ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ito sa layong 19 km. Northeast ng Sipocot sa nasabing lalawigan.

Mayroon itong lalim na 1 km at tectonic ang pinagmulan.