Pinatawan muli ng comtempt ng quad committee si Cassandra Li Ong sa ikalawang pagkakataon.

Ito ay matapos na tumanggi si Ong na sagutin ang tanong ng mga kongresista sa pagdinig ukol sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Base sa pasya ng quad committee, ikukulong si Ong sa Women’s Correctional sa Mandaluyong hanggang sa matapos ang imbestigasyon nito at makapaglabas ng committee report.

Si Ong ay sinasabing incorporator ng Lucky South 99 at corporate secretary ng Whirlwind Corporation.

Maaalala, ang Lucky South 99, ay ang POGO hub sa Porac, Pampanga na ni-raid kamakailan ng mga otoridad.