Aminado ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maaaring maapektuhan ng krisis sa langis ang pagbisita sa mga simbahan o Visita Iglesia sa darating na Holy Week, habang nauunawaan ang desisyon ng mga Pilipino na magtipid sa gitna ng tumataas na presyo ng petrolyo.

Ayon kay CBCP Espiscopal Commission of Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, nauunawaan ng Simbahan ang pangangailangan ng mga tao na magtipid at magpakita ng pakikiramay sa mga apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.

“It’s going to be very selfish on the part of the Church if we are worried that only a few will go to the church. We are worried that the Filipinos are really affected by the rising prices of oil. Of course, it will snowball. So this is what we should be worried about. If people want to save, it’s understandable,” ani Fr. Secillano.

Ipinabatid din niya na para sa mga hindi makapunta sa simbahan, lalo na ang mga matatanda o may sakit, available ang misa sa online platforms. Mayroon ding tinatawag na “virtual visit to the church” at ang panalangin sa tahanan ay maaaring gawin bilang alternatibo.

Advertisement

Bukod dito, nakatakdang maglabas ang Simbahang Katolika ng Oratio Imperata bilang bahagi ng panalangin para sa gitna ng digmaan sa Gitnang Silangan, na nagdudulot ng krisis sa suplay at presyo ng langis.

Advertisement