NAGA CITY- Arestado ang Regional Chairperson at Camarines Sur Provincial Chairperson ng Gabriela Bicolandia matapos ang ibinabang subpoena ng Philippine National Police.
Kinilala ang suspek na si Barangay kagawad Jenelyn Nagrampa-Caballero, alyas “Ka Jean”, 37-anyos, residente ng Barangay San Isidro Pob., Nabua, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office napag alaman na nahaharap sa kasong 2 counts of murder ang nasabing suspek.
Sa bisa ng ipinalabas na Warrant of Arrest ni Hon. Jeaneth C. Gaminde-San Joaquin, Presiding Judge, RTC Br. 56, Libmanan, Camarines Sur.
Advertisement
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspect para sa karampatang disposisyon.
Advertisement