Alam ba ninyo mga ka-bombo, isang Chinese na lalaki ang gumamit ng massage gun sa kanyang mukha at mata ay kinailangan na magsailalim sa operasyon matapos na magtamo ng lens dislocation at magkaroon ng katarata sa edad na 42-anyos.

Kaugnay nito, isang Mr. Luo, fitness enthusiast mula sa Wuhan sa Central China, ang bumili ng battery-powered massage gun kasabay ng rekomendasyon nang kanyang fitness instructor na maganda ito at makakatulong sa pagtanggal ng pagod sa kanyang muscles.

Ayon kay Luo, epektibo naman ang nasabing massage gun sa pagpapawala ng kanyang pagod kung kaya nagdesisyon ito na gamitin sa kanyang mukha at mata.

Dahil sa maling desisyon ni Luo, kinailangan nito na magsailalim sa nasabing operasyon.