NAGA CITY- Sa kabila ng mga pinagdaanang kalamidad maging ang epekto ng bagyong bising sa Bicol Region ay hindi nito natinag ang pagtutulongan ng mga bicolano.

Ito’y matapos na magkaroon narin ng kanya-kanyang version ng Community pantry sa probinsya ng Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Joy Di, ang bumuo ng Iriga Community Pantry, sinabi nito na matapos umanong mainspired sa maginhawa Community Pantry ay hindi na ito nag dalawang isip pa at ginamit ang kanyang sariling pera.

Matapos ito ay marami narin umano ang nagpaabot ng tulong at donasyon mula sa mga kapwa residente sa lugar o maging sa mga kababayan abroad.

Advertisement

Ayon kay Di, bukas umano sa lahat ang nasabing pantry ngunit hanggad nalamang umano nito sa publiko ang disiplina sa lahat ng oras.

Kung saan paalala nalamang nito sa publiko na kumuha lamang ng naayon sa pangangailangan.

Sa ngayon aabot na sa 10 community pantry ang nabuo sa nasabing probinsya kung saan dalawa na rito ang mula sa lungsod ng Naga, Pasacao, Baao at marami pang iba.

Advertisement