NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang construction worker sa Real, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Domingo, 57-anyos, residente ng Brgy Bagong Silang, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima nang kanyang mismong anak na nakadapa sa gilid ng sapa malapit sa kanyang tinitirhan na bahay-kubo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na huling nakitang buhay ang biktima noong June 17, 2024 sa kanilang tahanan humigit-kumulang 100 meters ang layo sa tinitirhan nitong bahay-kubo.

An naturang biktima an pinaniniwalaan na nasa impluwensiya ng alak ng huling bumisita sa kanilang tahanan.

Samantala, inihayag naman ng malalapit na kaanak ng biktima na mayroon itong sakit na epilepsy.

Sa ngayon, itinuturing naman ng mga kapulisan bilang non-crimes ang insidente.