NAGA CITY – Sugatan ang isang construction worker matapos na pagpupukpukin ng martilyo ng kapwa construction worker nito sa Brgy. Taban-Fundado, Libmanan, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Sunny Villaflor, 27-anyos, residente ng Zone 5, Brgy. Cadlan, Pili, sa nasabing lalawigan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa ilalim ng impulwensiya ng alak ang biktima, pumasok ito sa barracks kung saan naroon din ang suspek na kinilalang si Eric Abainza, 32-anyos, residente ng Zone 5, Brgy. Palestina, Pili, sa nasabing lalawigan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng suspek at biktima na naging dahilan para kumuha ng martilyo si Abainza at pinagpupukpok nito sa ulo si Villaflor.
Dahil dito, nagtamo ng seryong tama ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asisitensiya medikal.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.