NAGA CITY- Nasa 13 katao na ang na-contact ng Local Government Unit (LGU) kaugnay ng pagkamatay ng dalawang taong gulang na batang babae dahil sa sakit na Meningococcemia sa bayan ng Pili sa Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Tom Bongalonta ng naturang bayan, sinabi nito na kasama na sa nasabing bilang ang albularyo na gumamot sa bata.
Ayon pa dito, hindi na muna maaaring makisalamuha sa iba ang naturang mga indibidwal habang ipinapasailalim sa paggamot.
Samantala, nilinaw naman ng alkalde na mananatili pa rin ang mga ito sa kani-kanilang bahay habang nagpapapagaling.
Sa ngayon, nasa ilalim na ng mahigpit na pag-monitor ang nasabing mga persona.