NAGA CITY- Patay ang isang construction worker sa nangyaring pamamaril sa Barangay Beguito Viejo, Libmanan, Camarines Sur. Kinilala ang biktima na si Randy Lopez, 28-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na pauwi sa sana sa kanilang bahay ang biktima sakay ng motorsiklo nang bigla na lamang umano itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima na agad namang itinakbo sa ospital ngunit hindi na naagapan pa ang buhay.

Nakuha naman sa crime scene ang isang bala ng baril.

Samantala, blangko parin ang mga otoridad kung ano ang motibo ng nasabing krimen.