NAGA CITY- Halos aabot na sa 700 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease sa Bicol Region.

Sa datos ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol muling nakapag rehistro ng 11 new confirmed cases habang isa naman ang binawian ng buhay ng naturang sakit sa rehiyon.

Sa nasabing bilang pito ang mula sa probinsya ng Albay (2 Legazpi City, 2 Daraga, 1 Manito, 1 Guinobatan, 1 Polangui), dalawa sa Sorsogon (1 Gubat, 1 Bacon), isa sa Camarines Sur (Sipocot) at isa naman sa Naga City.

Kinilala naman ang ika 18th COVID-19 death na kasama sa panibagong nagpositibo na si Bicol#684.

Nabatid na isang hospital staff sa isang private hospital sa lungsod ng Naga ang naturang pasyente.

Sa ngayon nasa 687 na ang confirmed cases sa rehiyon habang 388 naman ang Active cases.