Naospital at isinailalim sa isolation ang isang crew member ng MV Hondius matapos magpositibo sa Andes strain ng hantavirus habang naka-quarantine sa Netherlands.

Ayon sa Dutch National Institute for Public Health and the Environment (RIVM), dinala sa ospital ang pasyente bilang pag-iingat upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.

Sa pahayag ng RIVM, “The Andes virus has been detected in one person who was in quarantine in the Netherlands. The patient has since been admitted to the hospital as a precaution and is in isolation.”

Ang Andes strain ay isang uri ng hantavirus na maaaring maipasa mula tao sa tao sa pamamagitan ng malapitang kontak, hindi tulad ng ibang hantavirus na karaniwang nakukuha mula sa mga daga o dumi at ihi ng mga ito.

Advertisement

Kaugnay ito ng naunang outbreak na naiulat sa cruise ship kung saan may ilang pasahero at crew members na nahawa at nasawi.

Advertisement