Masayang ibinahagi ng aktres na si Cristine Reyes na engaged na siya sa kanyang partner na si Gio Tingson.

Sa naturang post, ibinahagi ni Cristine ang ilang larawan nila ni Gio, kabilang ang kuha kung saan makikita ang kanyang engagement ring.

“Every timeline led here. Endgame unlocked,” saad ng aktres sa caption ng kanyang post.

Agad namang bumuhos ang pagbati mula sa kanilang mga kaibigan, kapwa artista, at fans sa comment section ng post.

Advertisement

Matatandaang unang umugong ang balitang nagde-date sina Cristine at Gio noong 2025.

Si Gio Tingson ay nagsilbing chairperson ng National Youth Commission mula 2014 hanggang 2016, naging Chief Political Officer ni Senador Bam Aquino mula 2016 hanggang 2018, at naging chairperson ng Akbayan Citizen’s Action Party mula 2018 hanggang 2022.

Samantala, dating ikinasal si Cristine sa professional MMA fighter na si Ali Khatibi noong 2016 at mayroon silang isang anak na si Amarah, na isinilang noong 2015.

Noong Pebrero 2024, kinumpirma ng aktres na mahigit isang taon na siyang annulled mula kay Khatibi.

Na-link din noon si Cristine kay Marco Gumabao matapos ianunsyo ang kanilang relasyon, na nagtapos noong Abril 2025.

Advertisement