Photo © web

Magpapatupad ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na ₱53 kada kilo para sa lokal na bigas bilang gabay sa mga mamimili, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr..

Ayon kay Laurel, nagkaroon na ng kasunduan ang DA at mga stakeholder ng bigas upang mabalanse ang kita ng mga magsasaka at kakayahan ng mga mamimili.

Nilinaw ng kalihim na ang SRP ay hindi price ceiling kundi gabay lamang para sa consumers hinggil sa tamang presyo ng lokal na bigas sa merkado.

Kasabay nito, mananatili ang itinakdang ₱50 kada kilo na price cap para sa imported five-percent broken rice sa loob ng 30 araw simula Mayo 15.

Advertisement

Ipinaliwanag ni Laurel na ibinatay ang price cap sa landed import cost na nasa ₱37 hanggang ₱38 kada kilo, na may sapat na allowance para sa logistics, spoilage, at kita ng mga importer, trader, at retailer.

Dagdag pa ng DA, sisimulan ang buong implementasyon ng imported rice price cap sa susunod na linggo upang mabigyan ng panahon ang mga retailer at mamimili na makapag-adjust.

Advertisement