NAGA CITY – Nagpahayag ng suporta ang Department of Agriculture sa ginaganap na Gainza Trade Fair.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Adelina Losa, Chief of Agri-business and Marketing Division ng DA, na sinusuportahan nila ang programa dahil nakakatulong ito sa mga magsasaka, mangingisda, processor at iba pa.
Ito ay dahil ang mga naturang programa ay nagpapataas umano ng kita ng mga sektor na ito.
Sa nasabing trade fair, ipinapakilala nito ang mga produktong gawa o ginawa ng mga magsasaka, mangingisda at iba pa na lalong nagpapakilala hindi lamang sa mga taga-Camarines Sur kundi maging sa mga taga-ibang lalawigan at rehiyon.
Ito rin ang magiging daan para lalo pang lumago ang kanilang market na magdadala ng malaking kita para sa kanila.
Aniya, ikinatutuwa din nila ang magandang feedback ng mga exhibitors na nakikilahok sa mga naturang aktibidad dahil nangangahulugan ito na naging maayos ang programa.
Sa kabilang banda, sinabi ni Christian Carl Balazarte, Presidente ng Camarines Sur Chamber of Commerce Industry Inc. na ang nasabing trade fair ay nagsisilbing daan upang mapaunlad ang maliliit na negosyo at mapalago ang mga ito.
Dagdag pa ni Balazarte na ang trade fair na ito ay hindi lamang isang paraan para sa kanilang pangangalakal kundi para malaman din ang mga dapat nilang matutunan pagdating sa negosyo.
Bilang karagdagan, ang programa ay nagsisilbi ring gabay para sa kanila na magtrabaho nang husto at matuto ng mga bagong diskarte sa negosyo na sumasabay sa mga pagbabago sa merkado.