NAGA CITY – Patay na ng matagpuan si dating Camarines Sur 1st District Representative Congressman Atty. Rolando “Nonoy” Andaya, 53-anyos, residente ng Saint Jude Orchard, Concepcion Grande, Naga City.

Ito rin mismo ang kinumpirmang mga anak ng biktima sa pamamagitan ng facebook post.

Facebook Post

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, nabatid na nakarinig na lamang ng putok ng baril ang personal assistant nito na si John Mark Patrick Señar kung saan pagpasok nito sa loob ng kwarto ng opisyal, dito na tumambad na nakabulagta ang katawan ni Andaya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng kaniyang ulo ang biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.