NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang dating miyembro ng Philippine Navy sa Barangay. Tandaay, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Figura, 55-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon kan Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (QPPO), nabatid na bago ang inisidente, nakita umano na umalis ang biktima dal-dala ang isang hagdan ngunit hindi na ito nagawa pang makabalik.

Dahil dito, agad na ipinaalam ng ina ng biktima ang nasabing sitwasyon kun saan pinaghahanap ang nasabing biktima kasama an mismong Chief Tanod ng nasabing barangay.

Ngunit, natagpuan na lamang itong wala ng buhay at nakabitay sa isang santol gamit ang isang nylon na lubid.

Kaugnay nito, agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.