Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Senador Francis Tolentino bilang bagong kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Papalitan ni Tolentino si Bienvenido Laguesma na nagbitiw sa puwesto dahil sa kondisyon ng kanyang kalusugan matapos magsilbi bilang kalihim ng DOLE mula 2022 hanggang 2026.

Si Tolentino ay isang abogado at dating Senate Majority Leader na nagsilbing senador mula 2019 hanggang 2025. Bago ang kanyang karera sa Senado, naging chairperson din siya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan nakilala siya sa disaster preparedness at urban management.

Samantala, si Laguesma ay isang beteranong opisyal sa larangan ng paggawa na nagsimula sa DOLE noong dekada 1970 bilang labor arbiter.

Advertisement

Nagsilbi rin siyang kalihim ng DOLE sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada mula 1998 hanggang 2001 bago muling italaga sa parehong posisyon noong 2022 sa administrasyong Marcos Jr.

Bukod dito, naging commissioner din si Laguesma ng Social Security System (SSS) mula 2011 hanggang 2016.

Dumating ang appointment ni Tolentino sa gitna ng mga hamon sa sektor ng paggawa kabilang ang mataas na presyo ng bilihin, usapin sa wage adjustments, proteksyon sa mga manggagawa, at labor migration.

Advertisement