Nasawi ang Defense Minister ng Mali na si Sadio Camara matapos ang umano’y suicide truck bombing sa kanyang tirahan malapit sa kabisera na Bamako, kasabay ng malawakang coordinated attacks sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa mga ulat.

Ayon sa ulat, isang sasakyang puno ng pampasabog ang sumalpok sa residence ng opisyal sa Kati, na sinasabing isinagawa ng mga militanteng grupo na konektado sa al-Qaeda.

Nasawi rin ang ilang miyembro ng pamilya ni Camara at iba pang sibilyan matapos gumuho ang bahagi ng gusali at maapektuhan ang kalapit na mosque dahil sa lakas ng pagsabog.

Kinumpirma kalaunan ng state media na si Camara ay nasawi dahil sa tinamong sugat matapos umano siyang makipagbakbakan sa mga umatake bago dinala sa ospital, kung saan siya tuluyang binawian ng buhay.

Advertisement

Samantala, iniulat din na na-evacuate si junta leader Gen. Assimi Goïta matapos targetin ang kanyang tirahan sa gitna ng magkakasabay na pag-atake.

Ang mga opensibang ito ay iniuugnay sa mga jihadist group na may kaugnayan sa al-Qaeda at Islamic State, gayundin sa separatist group na Azawad Liberation Front na aktibo sa hilagang bahagi ng Mali.

Kasabay nito, iniulat din ang pag-atras ng mga Russian mercenaries na tumutulong sa militar ng Mali mula sa ilang lugar sa Kidal matapos ang ilang araw ng bakbakan, bagama’t wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Russia.

Advertisement