Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang sensitibong operasyon ang saklaw sa inamyendahang memorandum of understanding (MOU) ng Philippine Coast Guard at China Coast Guard.

Ayon kay DFA spokesperson on maritime affairs Rogelio Villanueva Jr., layunin ng amyenda na magkaroon ng Joint Coast Guard Committee on Maritime Cooperation, na itinatag sa ilalim ng 2016 agreement ng dalawang partido.

Binigyang-diin ng DFA na hindi rin kasama sa kasunduan ang kooperasyon sa sensitibong mga lugar ng operasyon o joint patrols; sa halip, ito ay magsisilbing pormal na paraan ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang coast guards.

Idinagdag ni Villanueva na isinasagawa ang mga negosasyon sa pamamagitan ng kaukulang diplomatic channels at pinalalawak sa pamamagitan ng Bilateral Consultation Mechanism meetings.

Advertisement
Advertisement