NAGA CITY– Pinabulaanan ng Departement of Interior and Local Government (DILG) na pulitika ang dahilan ng pagkakadawit ni PLtCol. Jovie Espinido sa Narco List.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay USec. Jonathan Malaya ng nasabing ahensya, sinabi nitong nakasama sa Narco List si Espinido dahil sa impormasyon mula sa isang Intelligence Report ng isang ahensya.
Ayon kay Malaya, posible na mula ang nasabing impormasyon Philippine Drug Enforcement Agency o National Intelligence Coordinating Agency.
Aniya, hindi naman masisisi ng ahensya si Espinido matapos nitong humarap sa media habang isinasagawa ang adjudication process dahil bilang mamamayan karapatan nitong idepensa ang kanyang sarili.
Samantala, ayon kay Malaya nasa Presidente pa rin ang magiging desisyson sa mga pangalan na kasama sa Narco List kung aaprubahan o hindi
matapos ang isinagawang adjudication process.