Pinayuhan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na iwasan ang pagpo-post ng mga larawan at video kaugnay ng giyera sa Gitnang Silangan matapos maaresto ang ilan sa United Arab Emirates.

Ayon kay Hans Leo Cacdac, mahalagang sumunod ang mga OFW sa mga batas at regulasyon ng bansang kanilang pinagtatrabahuhan, lalo na sa usapin ng social media.

Ang paalala ay kasunod ng pagkakaaresto ng ilang Pilipinong manggagawa sa UAE dahil sa pagbabahagi ng mga video ng missile attacks sa rehiyon.

Binigyang-diin ng DMW na maaaring may mahigpit na batas ang ilang bansa laban sa pagpo-post ng sensitibong impormasyon, lalo na kung may kaugnayan sa seguridad at kaguluhan.

Advertisement

Sa kabila nito, tiniyak ng ahensya na magbibigay sila ng kinakailangang tulong sa mga OFW na naaresto, kabilang ang legal at konsular na suporta.

Patuloy namang hinihikayat ng DMW ang mga OFW na maging maingat sa kanilang online activities upang maiwasan ang paglabag sa batas at mapanatili ang kanilang kaligtasan habang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Advertisement