NAGA CITY- Pinawi ngayon ng Department of Health -CamSur ang pangamba ng mga Bicolano sa kumakalat na Coronavirus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Rey Millena ng DOH-CamSur, sinabi nito na para makaiwas sa naturang sakit, panatilihin lamang ang personal hygiene, hand washing at madami pang iba.
Ayon pa kay Millena, kung sakaling nasa pampublikong lugar iwasang hawakan ang ilong at bigbig.
Ayon kay Mellina, na hindi naman agad maikokonsidera na madaling makahawa sa tao sa pamamagitan ng pag bahing sa harapan mismo ng wala namang sakit.
Ayon dito, mayroon umanong kinokonsiderar silang mga processo sa naturang sakit.
Samantala, ayon kay Millena ang kadalasang tinatamaan ng naturang mga sakit ang mga taong mahihina ang resistensya.