NAGA CITY – Target ngayon ng lokal na pamahalaan ng Naga na mabakunahan ang nasa 80% ng populasyon ng lungsod.
Ito’y matapos ang naging hirit ng Department of Health na mas madagdagan pa ang nababakunahan sa lungsod.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na target nilang maabot ang 80% na ito bago man dumating ang December 15, 2021.
Ayon pa sa alkalde, naniniwala ito na maaabot ang naturang bilang lalo na kung mas marami pa na mga supply ng bakuna ang dumating.
Ito ay dahil nagsasagawa rin sila ng iba’t-ibang hakbang para mailapit ang bakuna at mahimok ang mga tao na nagpapabakuna.
Dagdag pa dito, nagbugtak na man sinda nin manlaen-laen na vaccination sites sa mga barangay, sa public asin private highschool sa lungsod.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang vaccination roullout sa lungsod ng Naga.